MAAGANG nagparamdam nang tikas ang Alaska sa Honda-PBA Commissioner’s Cup. At isa sa malaking dahilan si Vic Manuel.

Tinaguriang “Muscleman”, ang all-around forward ang tibay na maasahan ng Aces sa krusyal na sandali, sapat para makuha ang ikatlong sinod na panalo matapos mabigo sa opening match kontra Rain or Shine.

Hataw ang 6-foot-4 na si Manuel sa career-high 29 puntos mula sa 12 of 19 sa field goal, bukod sa 12 rebounds para sandigan ang Alaska sa 110-100 panalo kontra TNT nitong Linggo sa Antipolo.

Bunsod nito, napili si Manuel bilang PBA Press Corps Player of the Week para sa kabuuang ng linggo ng Mayo 7-13. Ginapi niya sa parangal sina Meralco’s Baser Amer at Chris Newsome, Columbian guard Rashawn McCarthy, Rain or Shine’s Raymond Almazan, Ginebra’s Kevin Ferrer at NLEX big man JR Quinahan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ang 3-1 karta, magkakatabla sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto ang Alaska kasama ang Meralco at TNT. Nangunguna ang ROS na may 4-1 marka.

May anim na araw na pahinga ang Alaska bago magbalik-aksiyon sa out-of-town game laban sa San Miguel Beer sa Sabado sa Dumaguete City.