GS Warriors, maangas sa balwarte ng Rockets

HOUSTON (AP) — Puno nang pananabik ang home crowd na matagal nang umaasam na masaksihan ang duwelo ng Houston Rockets at Golden State Warriors.

DURANT: Scoring machine ng Golden State. (AP)

DURANT: Scoring machine ng Golden State. (AP)

Dumagadungong ang Toyota Center sa hiyawan ng sell-out Rockets crowd, ngunit, tulad nang mga nakalipas na pagkakataon, luhaan silang pinauwi ng Warriors.

Amores magle-lechong manok business muna: 'Mapapa-knockout ka sa sarap!'

Kumamada si Kevin Durant sa naiskor na 37 puntos, habang kumubra si Klay Thompson ng 28 puntos para sandigan ang Golden State sa impresibong 119-106 panalo laban sa Rockets sa Game 1 ng Western Conference finals nitong Lunes (Martes sa Manila).

Sa unang pagkakataon mula noong 2014, sinimulan ng Wariors ang playoff series sa road game at naghabol sa kabuuan ng first half sa bentaheng umabot sa siyam na puntos. Ngunit, dahan-dahan na nakabalik ang Warriors at nagawang maitabla ang iskor sa 56-all sa halftime.

“We’re in the Western Conference Finals they are going to come out with a lot of energy,” pahayag ni Durant. “We’re going to take that first punch and keep punching.”

Host muli ang Houston sa Game 2 sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Matapos ang dominanteng opensa sa third period kung saan naitarak ng Warriors ang double digits na bentahe nang makailang ulit, naisalpak ni Eric Gordon ang three-pointer sa pagsisimula ng final period para matapyas ang bentahe sa apat na puntos.

Subalit, hindi natinag ang Warriors na gumanti ng 13-4 run, tampok ang walong puntos mula kay Thompson para sa 100-87 bentahe ng Golden State.

Bumuwelta ang Houston ng 9-3 run, tampok ang limang puntos mula kay James Harden para muling makadikit sa 103-96 may limang minuto ang nalalabi sa laro. Muli, ratsada si Thompson sa three-pointer para muling palubohin ang abante ng Warriors sa 10 puntos.

Nanguna si Harden sa Rockets sa naiskor na 41 puntos.

“You’re not going to come in and just knock them out,” sambit ni Houston coach Mike D’Antoni.

“There were too many times where we had mental lapses. We didn’t switch properly, turned the ball over and missed too many layups. We need to do a better job of staying up mentally.”

Nag-ambag si Steph Curry ng 18 puntos sa Warriors, sumasabak sa conference finals sa franchise-record fourth straight season. Ito naman ang unang pagsampa ng Houston sa conference finals mula noong 2015 kung saan ginapi sila ng Golden State, 4-1.

“He’s one of the best scorers ever,” pahayag ni D’Antoni patungkol kay Durant. “I thought he was extremely good. But we can withstand that. We can’t withstand turning the ball over and giving up so many wide open three’s.”