Ni REGGEE BONOAN

ANO nga ba ang pakiramdam kapag naubusan ka ng paborito mong pagkain?

Kris at mga anak

Nakita namin ang parang batang reaksiyon ni Kris Aquino nang maubusan ng paborito niyang calamares sa Mother’s Day dinner na ipinag-imbita niya sa kanyang bahay sa Green Meadows subdivision nitong Biyernes.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Ang daming tao sa bahay nina Kris, Josh at Bimby dahil nag-shoot din siya ng webisodes ng Ever Bilena at nag-pictorial para sa Mother’s Day contest para sa #DinnerWithKris na sponsored ng Toblerone.

At dahil hindi pa tapos ang mga ginagawa ng social media influencer ay pinauna na niyang kumain ang lahat ng staff at iba pang mga bisita.

Maya-maya ay narinig naming nagpahain na si Kris na nagsabing gutom na gutom na siya.

“Where’s my calamares?” sumunod na narinig naming sabi ng mama nina Joshua at Bimby.

Sabi ng staff niya, ‘Ubos na po.’

“What? Hindi ninyo ako ipinagtabi ng calamares?” parang bata na sabi ni Kris. “You know naman that’s my favorite, di ba? Nagtrabaho ako the whole day at pagod na pagod ako ‘tapos wala ‘yung paborito kong food?”

Tila bata ring nagsumbong sa amin, “‘Kita ninyo wala akong food, inubusan nila ako ng calamares.”

Hinainan na si Kris ng paborito niyang lechon at kare-kare pero hindi pa rin niya kinain dahil hinahanap talaga niya ang calamares.

After more than 20 minutes habang masarap na ang kuwentuhan-kulitan namin sa dining table at parang nakalimutan na niyang naubusan siya nang abutan siya ng calamares ng waiter ng catering. Kitang-kita namin kung paano sumaya ang mukha ni Kris.

“Yehey, ‘kita n’yo love nila ako, gumawa sila ng paraan to have my calamares. Alam mo ba ‘yung feeling na pagod ka at gutom at expected mo ‘yung ulam na gusto mong kainin ‘tapos wala? Good job sa Elars (catering),” masayang sabi ni Kris.

At dahil good job ang cook at waiter ay sinabihan ni Kris ang right hand niya, “Alvin (Gagui), bigyan mo ng sila ng tip, baka hindi sila nabigyan kanina, gumawa sila ng paraan to have my calamares.”

Tama si Bimby, baby pa rin talaga ang mommy niya kaya alagang-alaga niya ito.

Aliw lang, di ba, Bossing DMB?