Nina Aaron B. Recuenco at Calvin Cordova

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) kung kagagawan ng mga bounty hunter ang tangkang pagpatay kay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, na tinambangan kasama ang kanyang pamilya, nitong Linggo ng umaga.

“Probably he should cooperate with the investigators if he indeed knows something in order to solve this ambush,” ani PNP chief, Director General Oscar Albayalde.

Reaksyon ito ni Albayalde sa napaulat na pahayag ni Loot na maaaring bounty hunter ang nagtangka sa kanyang buhay.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Dakong 7:30 ng umaga nang tambangan ng mga hindi nakilalang lalaki ang pamilya ni Loot sa Barangay Maya, Daanbantayan, at nasugatan dalawang tauhan ng alkalde at ang yaya ng apo nito.

Bumuo na rin ng task force ang Police Regional Office-Central Visayas upang mangasiwa sa imbestigasyon.