Ni Fer Taboy
Napatay ang asawa ng isang kumakandidatong kapitan habang sugatan naman ang mismong kandidato makaraan silang pagbabarilin ng incumbent barangay chairman sa Opol, Misamis Occidental, nitong Linggo ng gabi.
Nagawa pang maisugod sa ospital si Eliezer Zafra, ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.
Ginagamot pa sa ospital ang misis ng biktima na si Nilda Zafra dahil sa tama ng bala sa katawan.
Kaagad namang sumuko si Seno Dragon, incumbent barangay chairman.
Naiulat na nagalit si Dragon makaraang pakiusapan ni Eliezer si Nilda na kumandidato para barangay chairwoman sa kanilang lugar.
Nabatid na si Nilda talaga ang target ng ambush, subalit si Eliezer ang napuruhan.
Nabatid na dalawa pang suspek ang iniimbestigahan sa insidente.
Narekober umano ng pulisya sa lugar ng krimen ang ilang basyo ng bala ng M16 rifle at .45 caliber pistol.