Ni Annie Abad

MATAPOS ang 25 taon na pagbibigay karangalan sa Pilipinas sa larangan ng bowling, nakatakda nang wakasan ni Liza del Rosario ang kanyang career sa National Team.

Sinabi ng 40-anyos na si del Rosario na huling kampanya niya sa National ang Asian Games sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

“Nakakalungkot pero yung na yung plano ko kasi may trabaho din naman ako tsaka nag aaral ako so gusto ko mag concentrate sa masters degree ko,” pahayag ni del Rosario, matapos pagwagian ang katatapos na 2nd PBF Philippine International Open na ginanap sa Starmall sa Edsa Mandaluyong.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakuha ni del Rosario ang kampeonato laban sa kasanggang si Rachel Leon -- 204-203; 202-228; 258-194.

Gayunman, aniya, nakaantabay siya sakaling kailanganin ng koponan ang kanyang serbisyo sa anumang kapasidad.

“I will still be around Hindi nga lang as a national team member. Maybe I will still play next year to defend this title itong PIO but siguro sa sidelights na lang ako” aniya.

Bukas din umano siya sa ideya na mag coach na lamang para sa mga bagong National team members upang makatulong sa Philippine Bowling Congress (PBC).