Ni Marivic Awitan

PAMUMUNUAN ng dating kampeong si Mark John Lexer Galedo ang laban ng mga Pinoy riders sa ika-9 na edisyon ng Le Tour de Filipinas .

Tatangkain ni Galedo na kakatawan sa koponan ng 7-Eleven Road Cliqq Roadbike Philippines na maulit ang naitalang tagumpay noong 2014 sa natatanging International Cycling Union (UCI)-sanctioned road race sa bansa.

Hindi sumama si Galedo sa kanyang continental team sa pagsabak ng mga ito sa Hors Category 2.1 Le Tour de Langkawi noong Marso para makapag focus sa kanyang paghahanda sa Le Tour de Filipinas kasabay ng kanyang cross-training sa mountain bike para mas palakasin ang kanyang preparasyon sa karerang magsisimula na sa Linggo sa Quezon City Memorial Circle at magtatapos sa, Burnham Park sa Baguio City, sa Mayo 23.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Gusto kong manalo ulit.,” anang 32-anyos na si Galedo.

Makakatunggali niya para sa overall individual classification ang may 79 pang mga riders mula sa 16 na koponan kalahok sa karerang inihahatid ng Air21, Cignal at Cargohaus Inc.

Magsisimula ang karera sa Liwasang Aurora ng elliptical circle kung saan iwawagayway ni Mayor Herbert Bautista ang checkered flag bilang hudyat ng simula ng 157.50-km Stage 1 na magtatapos sa Palayan City,,Nueva Ecija kung saan sasalubungin ang buong race entourage nina Mayor Adrianne Mae Cuevas at Nueva Ecija Governor Czarina Umali..

Inorganisa ng Ube Media Inc.na pinamumunuan ni Donna Lina at sanctioned ng PhilCycling sa ilalim ni Tagaytay City Representative Abraham “Bambol” Tolentino, ang 2018 Le Tour de Filipinas ay may kabuuang distansyang 654.90 kilometro. .

Bukod sa 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines ang iba pang lokal na koponang kalahok ay ang Go For Gold, Philippine Navy Standard Insurance, Philippine National Team, Bike X Philippines at CCN Philippines.

Kabilang naman sa makakatunggali nilang mga foreign teams ay ang Terrenganu Cycling Team (Malaysia), Pishgaman Cycling Team (Iran), Nice Devo Cycling Team (Mongolia), Interpro Cycling Academy (Thailand), Oliver’s Real Food Racing (Australia), Korail Cycling Team (South Korea), Team Sapura Cycling Team (Malaysia), Ningxia Sports Lottery Livall Cycling Team (China), KFC Cycl ing Team (Indonesia) at Uijeongbu Cycling Team (South Korea)..