Ni Marivic Awitan
NAKABALIK sa winning track ang Creamline matapos ang sorpresang kabiguan sa kamay ng Bangko-Perlas nitong Sabado nang walisin ang dating namumunong PayMaya ,25-18, 25-23, 25-19, nitong Linggo sa pagtatapos ng 2-day swing ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa People’s Gym sa Tuguegarao City.
Dahil sa panalo pumatas ang Creamline sa kanilang biktima sa barahang 2-1 panalo-talo.
Pinangunahan ni Thai import Kuttika Kaewpin ang panalo sa ipinoste nitong 17-puntos habang nagdagdag sina team skipper Alyssa Valdez at si Michelle Gumabao ng pinagsamang 20 puntos.
Nagtapos namang topscorer para sa natalong High Flyers si import Nicole Rountree na may 17 puntos.
Kinapos siya sa . suporta mula sa kanyang mga teammates kumpara sa naging panalo nila kontra Pocari-Air Force noong Sabado.
Sumunod kay Rountree bilang second-leading scorer ng PayMaya ay si Aiko Urdas na nagposte ng 8 puntos habang nawala naman sa kanyang elemento ang isa pa nilang import na si Sheby Sullivan na nagtapos lamang na may 5 puntos.