Ni Liezle Basa Iñigo

Isang incumbent barangay chairman at dalawang barangay kagawad ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Isabela at Quirino.

Ipinaliwanag ni Chief Supt. Jose Mario Espino, Police Regional Office (PRO)-2 director, na pinangunahan ng Ilagan City Police ang paghahain ng search warrant na ipinalabas ni Judge Rodolfo Dizon, ng Regional Trial Court Branch 18, Second Judicial Region, Alibagu, Ilagan City, sa bahay ni Franklin Bulibol, 51, incumbent kagawad at kandidato para chairman.

Nasamsam sa lugar ang isang M14 Armalite rifle, isang Armed Impactor shotgun, isang .22 caliber, isang bala ng 12-gauge shotgun, anim na magazine ng M14 rifle, at 99 na bala nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinalakay din ng pulisya ang bahay nina Paquito Balona, 60, incumbent chairman; at Nardo Ballatong, 42, incumbent Kagawad, ng Bgy. Ifugao Village sa Diffun, Quirino.

Nakumpiska sa kanila ang isang .45 caliber Springfield Armory pistol, tatlong bala nito, isang magazine ng .45 caliber, isang .22 caliber Squibman rifle, at isang magazine ng parehong armas.

Nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na may kaugnayan sa paglabag sa Omnibus Election Code.