NI Alexandria Dennise San Juan

Hindi nakalusot sa mata ng Department of Transportation (DOTr) ang limang pampasaherong jeep na mahuli dahil sa “illegal transporting” ng mga botante sa mga polling precinct nang walang special permit.

Ang operasyon kahapon ng ahensiya ay nakaugnay sa Project HOPE (Honest, Orderly, Peaceful Elections) para hulihin ang mga operator at driver na ginagamit ang kanilang mga PUV para magsakay ng mga botante nang wala sa kanilang ruta, o may sakay na “flying voters.”

“These PUVs are being used to transport passengers sa mga piling places nang walang special trips, mga out-of-line. May mga Comelec signages pa,” pahayag ni Atty. Aileen Lizada, miyembro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Lizada, ipinarating ng LTFRB sa Comelec ang insidente, na kaagad namang nilinaw na wala itong pahintulot.

Kabilang sa nahuling jeep ang isang nanggaling sa Barangay Bagombong sa Caloocan City na papunta sana sa isang barangay sa Quezon City.

Dalawang jeep din ang hinarang dahil naman sa pagmamaneho nang wala sa ruta.

Habang isang jeep naman na may rutang MCU-Divisoria ang may sakay na mga pasaherong nagbayad ng P100 para sa balikang pasahe.