Ni FRANCIS T. WAKEFIELD, ulat ni Fer Taboy

Sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at dalawang sundalo ang napatay habang 14 pa ang naiulat na nasugatan, kabilang ang dalawang sundalo, sa engkuwentro sa Patikul, Sulu, nitong Linggo.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Joint Task Force (AFP-JTF) Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana ang apat sa 10 napatay na bandido na sina Amah Talah, Taha Sawadjaan, ang nakababatang kapatid ni Hatib Sawadjaan, pangalawa sa pinakamataas sa ASG; isang alyas “Red”; at Long Abraham.

Dalawa naman sa mga nasugatan sa ASG ay nakilalang sina Ben Quirino, alyas “Ben Tattoo”; at Adzren Sawadjaan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Namukhaan din ng militar ang tatlo sa mga pinuno ng ASG na nakaengkuwentro nila na sina Jajan Sawadjaan, Idang Susukan, at Injam Yadah.

Paglilinaw ni Sobejana na bago ang sagupaan ay nagsasagawa ng pagtugis, paghahanap at rescue operations ang 5th Ranger Battalion sa mga kinidnap at ipinatutubos na biktima ng ASG nang mamataan nila ang grupo nina ASG sub-leaders Hajan Sawadjaan, Injam Yadah at Ben Quirino, Sitio Kan Alas, Barangay Tanum, Patikul, dakong 6:15 ng umaga.

Umabot din, aniya, ng isang oras ang sagupaan na nagresulta sa pagkakapaslang sa dalawang sundalo at 10 bandido.