Paulo, Bea at Derek
Paulo, Bea at Derek
UMAARIBA ang dalawang talents ni Jojie L. Dingcong (JLD Management) na sina Paolo Ballesteros at Derek Ramsay sa kaliwa’t kanang projects.

Kumabig ng P5.5M sa opening day ang pelikulang My 2 Mommies ni Paolo sa Regal Entertainmet kaya tuwang-tuwa ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo.

Hindi pa namin napapanood ang pelikula pero halos lahat ng review ay puring-puri ito at wala kaming nabasang hindi nagandahan at naaliw, sumakto raw talaga sa Mother’s Day presentation ng Regal Film.

Bentang-benta ang pagbibitiw ni Paolo ng mga nakakatawang linya at tagos  sa puso ang kanyang pagda-drama, kuwento ng mga nakapanood na.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Dahil sa success ng My 2 Mommies, inihahanda na ang susunod na pelikula ni Paolo sa Regal Films.

Samantala,  Si Derek naman ay huhusgahan sa pelikulang Kasal na mapapanood na sa Miyerkules kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino mula sa Star Cinema na nagdiriwang ng 25th anniversary.

Huling napanood si Derek sa Metro Manila Film Festival na All of You at nanalo siya bilang Best Actor.  Bago ‘yon, tinangkilik ng moviegoers ang Regal movies niyang Love Is Blind at The Escort.

Halos lahat ng pelikulang nagawa ni Derek ay pawang box office hit tulad ng No Other Woman, Ex With Benefits, I Love You Goodbye, The Unkabogable Praybeyt Benjamin at iba pa.

Dahil parehong bankable actors, kailan naman magsasama sa isang project sina Paolo at Derek? --Reggee Bonoan