NASIKWAT ni Philippine Executive Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ang pangkahalatang liderato na may natipong 205 Grand Prix (GP) points matapos ang apat na leg ng 2018 Alphaland National Executive Chess Circuit.

Kasama sa ginagawang pagsasanay ni Atty. Orbe ang paglalaro ng online live games sa chess.com kung saan ilang mga foreign International Master na din ang kanyang tinalo.

Bunga ito ng matagumpay niyang pakikipag sparing kina 13-times Philippine Open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., International Master Chito Garma, Fide Master Arden Reyes at National Master Efren Bagamasbad.

Nasa ika-2 puwesto naman si 7-times Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor na may 180 GP points.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Magkasalo naman sa ika-3 hanggang ika-7 puwesto na may tig 130 GP points sina Maynilad Water Services top player Romie Lord Guerra, Dr. Alfredo “Fred” Paez, Diwa Learning Systems, Inc. Audit manager Ricky Navalta, SSS top player Dioniver “Bobot” Medrano at engineer Ravel Canlas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nasa ika-8 puwesto din si Dandel Fernandez ng Maynilad Water Services na may 110 GP points.

Magka-agapay naman sa ika-9 hanggang ika-11 na puwesto na may tig 100 GP points ay sina National Council on Disability Affairs Board Member James Infiesto ng Davao City, chemist Ritchie Evangelista at IT Manager Edwin Sison ng Vital C Health Products, Inc.