NAGKASUNDO na ‘in principle’ ang mga promoters nina Donnie Nietes at Aston Palicte para sa all-Pinoy fdight para sa bakanteng WBO junior bantamweight title.

Nakatakda ang laban sa August 18 sa Cebu City, ngunit ayon sa ALA Boxing, promoter ni Nietes, wala pang klarong venue para sa laban. Ngunit, siniguro niya na kabilang ang; laban sa ika-45 edisyon ng ‘Pinoy Pride’.

“We are still working on the contract. Can’t confirm it yet but getting close,” sambit ng ALA.

Bunsod nito, naging dalawa ang all-Pinoy title fight na magaganap ngayong taon. Nakatakdang idepensa ni No. 1 contender at three-division title holder na si Nietes (41-1-4, 23 knockouts), ang No. 2 contender na si Palicte (24-2, 20 KOs).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Donnie is the fight we’ve wanted ever since he was appointed as the number one contender,” pahayag ni Guy Taylor, matchmaker para sa laban kontra Palicte, pinangangasiwaan ng Roy Jones Jr. Promotions.

“(Nietes is) definitely a legend in the Philippines and future Hall of Famer. Nietes, just like (Roman Gonzalez) Chocolatito, though, will find out that only three pounds north that the landscape will be a little different up there,” pahayag ni Taylor.

Sa edad na 27, mas bata nang walong taon si Palicte kay Nietes, magdiriwang ng ika-36 kaarawan sa Mayo 13.

“I just can’t see the 36-year-old Nietes holding off Aston for 12 rounds,” pahayag ni Taylor. “I’m wondering what Nietes’ reaction is going to be once he gets hit flush and feels that concussive power of Palicte.”

Iginiit ni Jason Soong, manager ni Palicte, na pumayag sila na gawin ang laban sa Cebu dahil sa tsansa na makasilat. Galing sa apat na sunod na panalo si Palicte at ngayon’t nagsasanay kay dating world titleholder Rodel Mayol, na dati ring nasa pangangasiwa ng ALA Gym.

Kasalukuyan nasa California si Nietes at nagsasanay.