Ni Mary Ann Santiago

Pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang mga botante na tiyaking hindi sila magkakaroon ng medical emergency habang ibinoboto ang mga bagong opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan ngayong Lunes, sa gitna ng napakainit na panahon.

Sa isang advisory, pinayuhan ng DoH ang mga botante na magsuot ng kumportableng kasuotan, magbaon ng tubig at pagkaing pamatid-gutom, tulad ng biskuwit at candy, upang makaiwas sa gutom at dehydration sakaling mahaba ang pila sa polling precinct.

Dapat din, ayon sa DoH, na magdala ng payong, sombrero, pamaypay o maliit na portable fan at iba pang pananggalang sa matinding sikat ng araw at alinsangan ng panahon.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pinayuhan din ng kagawaran ang mga botante na tiyaking nakakain nang maayos bago bumoto, habang pinaalalahanan naman ang mga senior citizen na siguruhing nakainom ng maintenance medicine bago umalis ng bahay.

Kung sumama naman ang pakiramdam, dapat na kaagad na kumonsulta sa pinakamalapit na health station, na ipakakalat ng DoH sa mga voting center.