Vasiliy Lomachenko, right, of Ukraine, faces off against Jorge Linares, of Venezuela, during their WBA lightweight championship boxing match Saturday, May 12, 2018, in New York. (AP Photo/Kevin Hagen)

PINATULOG ni Vasily Lomachenko ng Ukraine si Jorge Linares ng Venezuela sa 10th round para matamo ang WBA lightweight championship nitong Linggo sa Madison Square Garden sa New York City.

Tumama ang matinding kaliwa ni Lomachenco sa bodega ni Linares na nagpahina sa mga tuhod nityo sapat para itigil ni referee Ricky Gonzalez ang laban eksaktong 2:08 sa 10th round.

“I prepared for the last few rounds, and my father told me, ‘You need to go to the body,’” sabi ni Lomachenko sa Associated Press.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naunang pinabagsak ni Linares si Lomachenko sa 6th round at halos patas ang laban pagkatapos ng 9th round. Ngunit pagsapit ng 10th round ay tumama ang mga bigwas sa bodega ni Lomachenco kaya itigil ang laban pagbagsak ni Linares.

Napaganda ni Lomachenco ang kanyang rekrod sa 11 panalo, 1 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts at ito ang ikatlong kampeonato niya sa magkakaibang dibisyon.

Bumagsak naman ang kartada ni Linares sa 44-4-0 na may 27 pagwawagi sa knockouts at ito ang unang pagkatalo niya mula noong 2012. - Gilbert Espeña