Aminado si Gladys na kahit sanay na siyang gumanap sa contravida roles, naroon pa rin iyong nai-stress pa siya kapag kukunan na ang eksena.
“Like dito sa Inday Will Always Love You, nakita naman ninyo sa trailer kung paano ko tarayan at saktan si Barbie (Forteza) na isang eksena sa pagtulak ko sa kanya, muntik na siyang mahulog sa hagdan, mabuti nakakapit siya,” sabi ni Gladys. “Kaya abangan ninyo ang mga cat fights namin ni Barbie dahil hindi siya patatalo sa akin. Nakakatuwa ang batang iyan, ang sweet-sweet off-camera pero ‘pag take na, bigay-todo siya sa acting.”
Love si Gladys ng mga kasamang artista, lalo na ang young ones, dahil ang saya-saya at maingay siya sa set. Alam nila kapag walang taping si Gladys dahil tahimik sa set at hinahanap-hanap nila ang matsika, mabait at mahusay makisamang kontrabida.
Ang Inday Will Always Love You ay production ng GMA News & Public Affairs na partly shot sa iba’t ibang lugar sa Cebu.
Kasama nina Barbie at Gladys sa cast si na Derrick Monasterio, Juancho Trivino, Ricky Davao, Manilyn Reynes, Nova Villa, Kim Rodriguez, Super Tecla, the “Lumen Twins” Charisse at Charlotte Hermoso kasama rin ang New Zealand-based Pinoy vlogger and Internet Star Kimpoy Feliciano, with Buboy Villar at Fliptop Artists Myhayt at Price Tagg.
Mula sa direksiyon nina Monti Parungao at Rember Gelera at sa script nina Zig Dulay at Nathan Arciaga, mapapanood na ito simula sa Monday, May 21, pagkatapos ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad. --Nora Calderon