TINANGGAP ni Jasper Faeldonia (gitna), top player ni Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo,ang tropeon sa boys Under-14 title ng 2018 National Age Group Chess Championships (NAGCC) Grand Finals kahapon sa Governors’ Hall sa Roxas City, Capiz. Kasama sa larawan sina Tournament Director Fide Arbiter Red Dumuk at National Master Wilfredo Neri.
TINANGGAP ni Jasper Faeldonia (gitna), top player ni Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo,ang tropeon sa boys Under-14 title ng 2018 National Age Group Chess Championships (NAGCC) Grand Finals kahapon sa Governors’ Hall sa Roxas City, Capiz. Kasama sa larawan sina Tournament Director Fide Arbiter Red Dumuk at National Master Wilfredo Neri.

PINAGHARIAN ni Jasper Faeldonia ang katatapos na 2018 National Age Group Chess Championships (NAGCC) Grand Finals Boys Under-14 nitong Sabado sa Governors’ Hall sa Roxas City, Capiz.

Si Faeldonia, top player ni Odiongan, Romblon mayor Trina Firmalo, ay nakakolekta ng 7.5 puntos kasosyo si Michael Concio Jr. ng Dasmariñas, Cavite na pambato naman nina Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at congresswoman Jenny Barzaga.

Nakopo ni Faeldonia ang titulo sa bisa ng mas mataas na tiebreak points.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang Sampaloc, Manila based na si Faeldonia ay Grade 7 student ng Arellano University mula sa pangangasiwa ni coach National Master Rudy Ibanez.

Nakamada ni Faeldonia ang mga panalo kontra kina Fern Albert Falle sa second round, Jave Mareck Peteros sa third round, Wesley Dasig sa eight round, Jesusito Tatoy Jr. sa ninth round at Reign Joshua Vinuya sa tenth round.

Nakipaghatian naman siya ng puntos kontra kina Adrian Amor De Luna sa first round, Cyrus Vladimir Francisco sa fifth round, Michael Concio Jr. sa sixth round, Clyde Harris Saraos Jr. sa seventh round at Justine Diego Mordido sa eleventh at final round. Si Faeldonia ay bye sa fourth round.

Inaasahan sina Faeldonia at Concio ang ilan sa Filipino chess wizard na katatawan sa bansa sa lalapit na 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City mula Hunyo 18 hanggang 28, 2018.

Kumpiyansa si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. na magbibigay ng magandang laban ang bansa kung saan tampok ang 10 bansa sa rehiyon na sasabak sa 14 age group under kasama na ang junior division at two age groups sa senior division.

Nitong nakaraang edisyon sa Pahang, Malaysia, nakamit ng Pilipinas ang over-all title na matagal ng pinagharian ng Vietnam sa paglikom ng 83 gold, 37 silver at 29 bronze medal performance.