Ni NITZ MIRALLES
SA halip na “yes” or “no” ang isagot ni Cris Villonco sa tanong sa cast ng Kasal movie kung naniniwala ba sila sa long o short engagement, nag-share siya ng kanyang love story.
I k i n u w e n t o ni Cris na sa kaso niya, after only 10 months mula nang magkakilala sila ang husband niya, nagpakasal na sila.
“I wasn’t ready, but it will make you ready. It will push you to the limit. What made me say yes? He’s a good man and he gave me the world. Kaya, even if I’m not ready, I said yes,” sagot ni Cris.
Kung ang mga reporter, napa- “awww” sa sagot ni Cris, sina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay nag-iba rin siguro ang paniniwala pagdating sa long o short engagement.
Anway, si Ruel Bayani ang direktor ng Kasal na showing sa May 16 at magsisilbing k i c k - o f f s a 2 5 t h anniversary ng Star Cinema. First time siyang makatrabaho ni Cris na nag-share rin ng experience working with Direk Ruel.
“It was so much fun working with him. He gives you the time, the space and he gives you the back story of your character. He reads the lines, explain it and he makes sure you do it right,” sabi ni Cris.