Ni ADOR SALUTA

Carol Banawa
Carol Banawa
SA wakas graduate na sa kursong Nursing ang dating Kapamilya singer-actress na si Carol Banawa. 

Ini-announce ng kanyang kaibigang si David Cosico sa pamamagitan ng Facebook ang magandang balita tungkol sa pagtatapos ni Carol bilang summa cum laude sa isang nursing school sa United States nitong May 12 ( U.S. Time). 

Si Carol, si Claire Crisostomo sa tunay na buhay, ay licensed practical nurse na after finishing her associates degree in nursing.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Nabanggit ni Carol noong November 2017 na, “I’m graduating in May 2018, getting my Associates Degree in Nursing and then taking the board after that, and then moving on to finishing my Bachelor’s and continuing  on to a Master’s Degree. That is the plan.”

Nitong May 11, ipinost ni Carol sa Instagram ang kanyang  graduation cap, na punumpuno ng embedded letters.

Saad niya, “#graduationcap. Thanks to my Ate Cherry’s creativity. Ready for the march on Saturday.”

Dating regular sa ASAP si Carol at pinasikat ang mga kantang Iingatan Ka, Stay, at Tanging Yaman. 

Naging bida rin siya sa  primetime series na Bituin (2002) with Nora Aunor, Desiree del Valle at Cherie Gil. 

After Bituin, iniwan ni Carol ang showbiz to seek medical care para sa may sakit niyang tatay sa U.S., taong 2003.

Hanggang sa magtrabaho siya bilang nurse at doon na rin nakapag-asawa. Dati niyang ka-love team sa showbiz ang singer na si Josh Santana, na ngayon ay isa na ring licensed doctor sa Amerika.

Nauna nang ibinalita ni Carol sa  kanyang post last March na naipasa nito ang Physician licensure exam sa U.S.