Matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang world famous island sa mga katutubo, at hindi sa mayayamang negosyante na iniulat na malapit sa kanyang administrasyon.

Sinabi ng Pangulo na balak niyang isailalim ang Boracay sa land reform program, pinawi ang mga haka-haka na papayagan umano niya ang casino builders at iba pang mayayamang kaalyado na makinabang sa isla.

“Kagaya ng Boracay, anak ng… marami na… may mga gambling daw, ilagay ko mga kaibigan ko. You know, ang aking thinking ngayon, I will declare Boracay as a land reform area. Ibigay ko, ibalik ‘yan sa mga natibo, Mangyans,” sinabi ni Duterte sa pagbisita niya sa Marawi City nitong Biyernes.

“Wala akong kaibigang negosyante na mayaman na sabihin mo, ibigay ko ‘yang Boracay,” idinugtong niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ipinaliwanag ni Duterte na nilalayon lamang ng gobyerno na linisin at ayusin ang isla at ibalik ang mga lupain sa mga residente at magsasaka. “Ibalik namin ‘yan sa inyo. Walang problema,” aniya. - Genalyn D. Kabiling