Ni Nitz Miralles

KAY Direk Mark Reyes nanawagan ang fans ni Janice Hung para maisama sa The Cure dahil babagay ito sa epidemic series lalo na sa mga action at fight scenes. Champion nga naman si Janice sa wushu at kayang-kaya ang action scenes kaya hindi na mangangailangan ng double.

Glaiza copy

Hindi nga lang meant to be sa The Cure si Janice na sa cast ng Contessa napasama. Nagkasama uli sila ni Glaiza de Castro na una niyang nakasama sa Encatadia at nakalaban din niya, siya bilang s i Bathaluman Ether at si Glaiza bilang si Pirena.

Tsika at Intriga

Rudy Baldwin, sokpa sa na hinahanap na PA ni Sofia Andres

Nag-post si Janice ng photo nila ni Glaiza sa taping at nilagyan ng caption na, “It is fun working with @ glaizaredux again. Watch out for my vlogs for the behind the scenes.”

Si Janice bilang si Mystie ang bagong makakalaban ni Glaiza sa Contessa. Excited na ang viewers na mapanood kung anong pagpapahirap at pang-aapi ang gagawin ni Janice kay Glaiza. Pati ang fight scenes ng dalawa, inaabangan na rin dahil nag-training din si Glaiza pati sa gun firing para sa mga eksena niya sa Afternoon Prime ng GMA-7.