HAHARAPIN ng The Philippine Residents XV -- feeder program ng Philippine Volcanoes – ang matikas na Guam national team sa kanilang pagbabalik sa Asia Rugby Division III Championships.

 SISIKAPIN ng Philippine Residents na makasabay sa walang gurlis na Guam sa Asia Rugby III.


SISIKAPIN ng Philippine Residents na makasabay sa walang gurlis na Guam sa Asia Rugby III.

Tangan ang walang gurlis na marka, ginapi ng Guam ang Brunei 66-12 nitong Martes bago dinurog ang China, 52-12, para sa Championship Trophy.

“Guam has had a great week, Division 3 champions which is very well deserved. With a stopover in the Philippines before their final trip home, they reached out to Philippine Rugby to see the possibility of putting together an international match for the development of both our teams. It’s great to host Guam for this match, really exciting to see both teams take the field of battle on Saturday” pahayag ni Jake Letts, General Manager ng Philippine Rugby.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Binubuo ang Philippine Residents team ng past, present at future Volcanoes. Target ng programa na mapili ang pinakamahuhusay na homegrown at foreign-breed players para sa National Team batay sa World Rugby (International Federation) Regulation 8 ruling.

Kasabay ang program sa paghahanda ng Philippine Volcanoes para sa kampanya sa Division 1 Asia Rugby Championships na gaganapin sa Manila sa Hunyo 23-26.

Ang mga mapipili sa Residents team ay inaasahang maiaangat sa Philippine Volcanoes Division 1 team na lalaban sa susunod na buwan.

Sasabak ang The Residents sa laban na walang talo sa dalawang laro. Ginapi ng Residents ang Sabah at Singapore noong 2016-17.

Sasandig ang PH Team kina veterans Joe Palabay Dawson, Gareth Dela Rosa Holgate, RFC at David Feeney of ng Manila Nomads. Makakasama nila ang mga bagitong sina Kingsley Ballesteros at Jonel Madrona ng Clark Jets at Lito Ramirez ong Santos Knight Frank Mavericks.

“It’s an exciting new era, mixing in all the best rugby players into one team to take on another Asian rugby nation. We are targeting a win and nothing short. Guam will be a strong contender, we need to give credit where credit is due, and their recent victories are nothing short of hard work. Our team has prepared well and done our hard work, given the short time frame, I am confident they will match it with Guam,” pahayag ni Chris Alamil Everingham, bagong itinalagang Elite Performance Manager ng Philippine Rugby.

Pangangasiwaan ang The Residents XV ni coach David Johnston. Makakaharap nila ang Guam ganap na 3:00 n.h. sa Southern Plains.