Ni Marivic Awitan

MULA sa Asean Basketball League kung saan isa siya sa naging alas kung bakit nagkampeon ang San Miguel Alab Pilipinas, maglalaro naman sa bagong ligang Maharlika Pilipinas Basketball League si Bobby Ray Parks Jr..

Lalaro si Parks para sa isa sa mga bagong koponan na Mandaluyong El Tigre, pagkumkpirma ng head coach nitong si Mac Cuan.

Ang 2-time ASEAN Basketball League Local MVP ay muling makakasama ni Cuan na una niyang naging coach sa Alab Pilipinas.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagtala ang dating UAAP 2-time MVP ng average na 15.4 puntos, 4.4 rebounds, at 3.5 assists para sa San Miguel Alab Pilipinas na nagkampeon kamakailan sa regional league.

Bukod kay Parks, maglalaro rin sa koponan ng El Tigre ang mga kapwa niya Alab players na sina Lawrence Domingo, Oping Sumalinog, at JR Alabanza.

Magsisimula ang second conference ng MPBL sa darating na Hunyo 12.