SA pamilyang Pinoy, higit pa sa kayamanan ang edukasyon ng mga anak. Kaya naman, kahit magdildil sa asin, sinisikap ng mga magulang na masustinahan ang pag-aaral ng mga anak na magagamit nilang sandata sa mas mariwasang pamumuhay sa hinaharap.

MAS pag-asa nang makapag-aral ng libre ang anak ng mekaniko sa Prestone scholarship grant

MAS pag-asa nang makapag-aral ng libre ang anak ng mekaniko sa Prestone scholarship grant

Sa ganitong paninindigan, nakikiisa ang Prestone – ang brand na kilala dahil sa matas na kalidad ng (Motor Oil, Brake Fluid, at Coolants) – sa hangarin ng pamilyang Pinoy na mabigyan katuparan ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng ‘Anak ng Mekaniko Scholarship Program’.

Kasabay ng ika-90 taong anibersaryo ng Prestone, naglaan ang kumpanya ng programa para sa mga bidang mekaniko na naghahangad na mapag-aral ang kanilang mga anak sa kolehiyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Monique Gonzales, Brand Manager ng Prestone, ang programa ay inilaan nila bilang pagkila sa mga mekaniko na naging bahagi sa matagumpay na pag-unlad ng produkto mula noon hanggang ngayon.

“It is our time now to give back through this initiative and provide a ground for a brighter future for their children through education,” pahayag ni Gonzales.

Mula sa sandamak-mak na aplikasyon, siyam na ‘deserving student’ na anak ng mekaniko at pipillin ng Prestone para mapabilang sa

‘ANAK NG MEKANIKO Scholars’ na mabibigyan ng full scholarship para sa apat na taong kurso na nais ng bata sa STI Colleges.

“Prestone is driving this project to help ease the burden that comes with having to pay for education, especially for low-income families. We want to make a positive impact in the lives of these students by helping them succeed through good and proper education”, pahayag ni Gonzales.

“In such a competitive world, getting a good job becomes increasingly

hard and education can help pave the way for these nine deserving scholars to achieve their goals for their family.”

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.prestone.com.ph, gayundin ang Facebook page: https://www.facebook.com/prestonephilippines.