IPINAHAYAG ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na kinuha nila ang serbisyo ni dating junior golf standout Oliver Gan bilang NCR program officer sa Philippine Sports Institute (PSI) sa pagpapalaganap ng grassroots development programs, gayundin ang pagtukoy sa mga batang talento na maisasama sa national training pool.
Bilang panimula, isasagawa ng 35-anyos na si Gan ang fund-raising golf tournament para sa jungolf program sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.
“It’s a big honor for me to be appointed as NCR program officer of the PSI. It’s a chance to give back and help in the development of the grassroots program in our country,” pahayag ni Gan, naging miyembro ng Philippine junior team sa kanyang kapanahunan.
“The golf tournament for young aspirants is just the beginning,” aniya.
Kinatigan ng Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation, sa pamumuno ni William Gosiaco ang pagkakatalaga kay Gan na aniya’y bahagi rin sa gaganaping Sino-Filipino Friendship Day Golf Tournament sa Mayo 28.
“Oliver Gan is committed to assist us and help us. Perhaps we can tap Oliver to bridge our China connections along the way,” sambit ni Ramirez.
“I think he can work with PSI director Mark Velasco in that aspect,” aniya.