Ni REGGEE BONOAN
NA-MISS siguro ni Kris Aquino na makipagtsikahan sa entertainment press kaya nag-imbita ng dinner sa bahay niya nitong Biyernes ng gabi bilang advanced celebration na rin ng Mother’s Day para sa lumalaking Kris C. Aquino Productions.
Susme, sa napakaraming beses na naming panayam at kuwentuhan with Kris sa mga presscon, set visits, at kung anu-ano pa ay itong huli ang pinakamahabang tsikahan. Mantaking nagsimula kami ng 8:30 PM, umabot ng 1:00 AM. Oo nga, sobrang na-miss ng TV host/actress/social media influencer ang press.
Pero bago nag-dinner cum tsikahan portion ay inabutan naming isinasagawa ang interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Earlier that day pa, nag-shoot din ng Ever Bilena webisodes si Kris at masaya niyang ibinalita sa dinner na lalo pang lumaki ang sales nito simula nu’ng kunin siyang brand ambassadress.
“Nu’ng wala pa ako, kumikita na sila ng P350M a month. Eh, di mas lalo na ngayon,” masayang sabi ni Kris.
Nag-shoot din ng Dinner with Kris para sa Mother’s Day ng Toblerone na siya mismo ang nagdisensyo ng bagong packaging nito.
Sa caption ng video na ipinost ni Kris, binigyan siya ng Happy Mother’s Day balloons ng mga anak niyang sina Joshua at Bimby, “Scenes from last night. My BP was 170/100 after work -- had a long BUT fruitful day. I’ll make a better video later to show my appreciation for TEAM KCAP. I got up to re-check my BP. Back to sleep now then Anticipated Mass. I have Kuya & Bimb BUT I also have many adopted KCAP kids & our FAMILY keeps growing. It’s really a Happy (praying healthy soon) Mother’s Day weekend for me. GOD BLESS US ALL. #lovelovelove.”
At siyempre, tinipon ni Kris ang kanyang KCAP Team para sa Mother’s Day pictorial.
Sa tsikahan portion, masayang ikinuwento ni Kris na napakasaya niya sa shooting ng I Love You, Hater kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto na ayon sa kanya ay napaka-professional at mahusay ang bagong direktor na si Giselle Andres.
“I like the fact that I’m working with the young director kasi iba ‘yung vision. Kasi I’ve worked with those who were senior, who seen it all and done it all. It’s different to work with someone who’s doing it now to prove herself kasi iba ‘yung ibibigay talaga.
“It’s really a test of stamina, doon mo talaga mapi-feel na parang mamatay ‘yung paa mo. Doon ko na-realize na, ‘Ay, isang eksena, sumakay ako ng scenic elevator 30 times up and down, up and down,” sabay tawa, “at nakaganu’n akong heels (sabay muwestra, 5 inches), sabi ko, hindi na ako magganda-gandahan sa kaartehan ko kasi nag-heels ako ng ganu’n kataas, hindi ko na gagawin ‘yun ulit.’
“Nagulat ako kasi when I was that young, I did not take it a seriously like what Joshua and Julia are doing. Siguro in our time, it was less of a craft, it was treated as fun. You have to remember nanggaling kami sa era na in ang comedy. So nu’ng age nila (JoshLia), Pido-Dida ang ginagawa ko. Parang you’re having fun lang,” masayang pagbabalik-tanaw ni Kris.
Nabanggit din niya na naka-focus lang talaga ang dalawang young stars sa trabaho at sa tuwing natatapos ang isang eksena ay agad pinapanood ang monitor at kapag hindi nila nagustuhan ay sila mismo ang nagre-request sa direktor na baka puwedeng ulitin dahil nakukulangan sila.
“Kasi lumaki ako na you don’t check the monitor because you trust your director. ‘Pag sinabi ng direktor na, it’s good, it’s good. And also because through the years alam ko na the finished product is also dependent on the editor and the musical scoring, so parang ang feeling ko, unless sabihan ako ng director na, ‘give me more, do this,’ then hindi na ako titingin, nakaupo na ako ro’n.’
“Pero sila talaga titingnan nila at magtatanong at hihingi pa (ng another takes). Feeling nila kinulang sila. Doon ako na-impress kaya sabi ko, they are really treating it the way it should be treated that it is a craft, that it’s something for the long term.
“And ‘yung sinabi ko day one all the way until now na I say it talaga na si Joshua has that something special. Alam mo ‘yung kung lalaki ka o babae ka gugustuhin mo siya because ‘yung pagka-cute niya is non-threatening. Kasi di ba ‘pag sobrang kaguwapuhan, sobrang tisoy parang kung lalaki ka, mai-alienate ka pero siya (Josh), magaling talaga.
“’Tapos si Julia naman, I think everything that she has been through in the past four years siguro molded her into what she is now kasi may depth and I say that na kitang-kita mo talaga na, di ba, sabi nila kapag magaling kang artista kailangan nagsasalita ‘yung mata.
“Kay Joshua, nagtwi-twinkle because he has a karisma. Kay Julia, you see the pain. So ang ganda na niya, this is a light movie but then it hits certain truths.
“Ang take away ko from this so far is that ‘yung pagka-explain sa amin as we shoot, naiintindihan ko lalo na lahat tayo mayroon tayong mga truth na pinagtatakpan and sometimes for it to remain true, it has to remain hidden.
“O, hayan, philosophical na ako, ha? Nagbago na ako,” masayang sabi ni Kris.
Paliwanag niya, “Di ba lahat tayo, we all have truths that we hide? But for it to be able to remained true, it’s kept with it.
“And you think it’s light (movie), it is, and there’s a rom-com element in this, there’s a Kris element in this and the moment that I don’t expect to be funny.
“My second take away in the movie, if you have a why in your life, then you’re always find the how. If you have a reason, then magagawan mo ng paraan. So for all three of us malalaman ninyo kung ano ‘yun kasi lahat sila may dahilan at may ipinaglalaban.
“Bilib ako sa writer (Carmi Raymundo) kasi all the biggest hits had been hers and she always create lines na may lalim na unexpectedly. Meron na minsan as simple two sentences, nagulat ako kasi I have little motivation, nag-breakdown ako ‘tapos naloka ako kasi si RB (make-up artist) sanay lang na pinapaganda ako, sabi niya, ‘Ano inisip mo at paano ka nakaiyak ng ganu’n?’ Sabi ko, we really gonna talk about it in front of everybody?‘ Sabi pa (ni RB), ‘Grabe naman ‘yun, in less than two minutes nag-iiyak ka ro’n?’ Sabi rin nu’ng writer, ‘O, my God, there so much anger!’ Sabi ko, yeah,” tumatawang kuwento ni Kris.
Inamin ng Queen of Online World and Social Media na malapit sa kanya ang karakter na ginagampanan niya sa I Love You, Hater.
“It’s really me, they just had to differentiate na no children at ni-request ko ‘yun kasi it would be too close to home and naghiwalay kasi hindi nga nagkaanak and initially, it has to be a mom who is sick. Sabi ko, hindi ako comfortable, puwede bang dad? And then ako ang nag-request for Tito Ronaldo (Valdez) kasi sa Sukob he was our daddy ni Claudine (Barretto). So 12 years after, si Julia na ang katrabaho niya.”
Nakakalimang shooting days pa lang si Kris at maraming moments pa raw na mangyayari at natatakot siya dahil may eksenang kailangan na may closure sila ng ex-husband niya sa istorya.
“Sabi ko nga, bakit ba hiniling ko pa na magkaroon ng closure, nagkamali ako sa klinosure-closure na ‘yan,” tumatawang sabi ng aktres.
As of this writing, wala pang gaganap na ex-husband ni Kris dahil lahat ng hiniling niya ay hindi pumuwede.
Kung masusunod ang timeline ng Star Cinema ay ipapalabas ang I Love You, Hater sa Hunyo 13.