Ni MARTIN A. SADONGDONG

Hinimok kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na tanggihan ang anumang paraan ng vote-buying ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections bukas.

Dahil dito, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na kasama ng 160,000 pulis na magbibigay ng seguridad sa halalan ang mga undercover agent na manghuhuli ng mga kandidatong mamimili ng boto.

“This is what we expect every election and reports are coming in left and right as early as now about the vote-buying of some candidates, the local chief executives. It will go intense especially during the day of the elections,” sabi ni Albayalde.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Pinayuhan din niya ang publiko na piliing mabuti ang mga iboboto, at tumangging ibenta ang kanilang mga boto na katumbas ng paglalagay sa alanganin sa kinabukasan ng kanilang mga barangay kapalit ng maliit lang naman na halaga.

“It seems there’s nothing new here [with vote-buying] and I think we should effect a change. I think we should have an internal cleansing of those running and incumbent local leaders,” ani Albayalde.

Samantala, inihayag naman ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na umakyat na sa 27 ang mga nasawi sa mga insidenteng may kinalaman sa eleksiyon.

Ayon pa sa kanya, 86 na katao na ang suspek sa mga nasabing insidente, bagamat tatlo lamang sa mga ito ang naaresto—at 23 lamang ang tukoy ang pagkakakilanlan.