PINANGUNAHAN ni Aljay Villena, ang 11-anyos na sumabak sa World Championship sa London sa nakalipas na taon, ang ratsada sa 4th Philippine Super League Table Tennis Tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

PINANGUNAHAN nina PCOO Assistant Secretary Mocha Uson (PTTFI Honorary Adviser) at Philippine Table Tennis Federation,Inc. President Ting Ledesma ang ceremonial serves sa opening ceremony ng 2018 Philippine Super League Table Tennis Championship kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Sasabak si Villena sa under-12 class sa tatlong araw na rating tournaments na suportado ng Philippine Sports Commission. Tampok din ang mga event na junior, cadet at legends.

Gagamitin din ang torneo bilang basehan sa pagpili ng mga miyembro ng Philippine Team na isasabak sa Southeast Asian Table Tennis Association junior and cadet championship sa Hulyo, ayon kay national head coach Buding Comendador.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“Ang project namin, mga bata talaga kasi para dumami ang maglaro ng table tennis, nagki-clinic kami sa iba’t ibang lugar para dumami ‘yung mga bata,” pahayag ni Comendador.

“Dati, halos lahat ng mga batang magaling sa Manila. Pero ngayon, dahil sa mga clinics namin sa PSI (Philippine Sports Institute) at sa PTTFi, lalong dumadami ‘yung mga batang gumagaling,” aniya.