BAWAT pasada, masasabing nasa bangin ng kapahamakan ang isang paa ng ‘Mamang Tsuper’ sa araw-araw na pagbibigay serbisyo sa tumataas na bilang ng mga motorista.

 IBINIDA ng mga grab at bike club drivers ang mga sertipiko matapos sumailalim sa ‘sefl-defense’ clinics ng mga pamosong MMA fighter mula sa Team Lakay.


IBINIDA ng mga grab at bike club drivers ang mga sertipiko matapos sumailalim sa ‘sefl-defense’ clinics ng mga pamosong MMA fighter mula sa Team Lakay.

Sa pagnanais na mabigyan nang dagdag na kaalaman para maipagtanggol ang kanilang mga sarili sa kapahamakan at banta ng masasamang elemento, nagkaloob ang Caltex Havoline, pinangangasiwaan ng Chevron Philippines Inc. (CPI), ng libreng pagsasanay sa ‘self-defense’ para sa mga Grab at bike clubs drivers.

Mismong ang pamosong mixed martial arts (MMA) champion ng ONE FC na sina Eduard “Landslide” Folayang, Kevin “The Silencer” Belingon, at Honorio “The Rock” Banario, ang nagbigay nang pagsasanay sa mga piling Grab drivers at bike clubs tulad ng Super 8 Philippines, Mio i-125 Motorcycle Club PH at Soul i-125 Bikers PH.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ibinigay ng tatlong world champion ang ilang kaalaman para maipagtanggol ang sarili sa anumang pagatake, gayundin ang tamang ‘stretching exercises’ para mapanatili ang pagiging alerto sa kabila nang maghapong pagpasada.

Malaking bilang ng mga commuters ang dumedepende sa transport network vehicles mula nang simulan ng Grab ang TNVS program noong 2014.

“Aside from the benefits of using Caltex Havoline, we also want to emphasize the value of strength and instill the importance of having confidence in our drivers. Together with ONE Championship, we are glad to provide free self-defense training to Grab drivers and motorcycle riders, creating physically and mentally alert drivers. With Caltex Havoline, these drivers now have the courage and strength to take on the challenges that they will face on the road,” pahayag ni Hafiz Nasar, Area Business Manager for Finished Lubricants of CPI.

Ang Caltex Havoline ay maasahang motorcycle oils na naglalaman ng C.O.R.E Technology, para sa mas magandang harurot ng makina at malaking kabawasan sa epekto ng mataas na carbon deposits.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Caltex stations, gayundin ang www.caltex.com/ph.