Sasabak sa ika-16th PBA All-Star Game

NI Marivic Awitan

KABUUANG 19 na season na ang nakakalipas, ngunit hanggang sa kasalukuyan bahagi pa rin ng PBA All- Star si Fil-Tongan Asi Taulava.

Sa edad na 45, kasaysayan ang naghihintay sa beteranong forward ng NLEX sa kanyang record na ika- 16 na All- Star game bilang miyembro ng PBA Visayas selection na haharap sa Gilas Pilipinas sa Mayo 27 sa Iloilo City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bagama’t batid niya na siya ang may hawak ng record sa longest All-Star stint sa kasaysayan ng liga, hindi alam ni Taulava ang eksaktong bilang kung nakailang beses na syang naglaro sa mid-season spectacle.

“I lost track of it,” ani Taulava. “But it’s always an honor to be part of the All-Star weekend. The All-Star has always been an outreach program for us players to give back to the fans.”

Sa kanyang PBA career, tanging ang All-Stars na namintis ni Taulava ay ang 2000 edition (Iloilo), 2013 (Digos), at 2014 (Mall of Asia Arena).

“Some people take it for granted, but throughout my whole career, I always appreciate it. This means a lot,” pahayag ni Taulava na nagwaging All-Star MVP noong 2004 at 2006.

“It’s like second best to winning a championship.”

Ang All-Star edition ngayong taon ay magsisimula sa Mayo 23 sa Digos, Davao del Sur.

“It is with pride and honor to host the opening leg of this year’s All-Star in the city of Digos, Davao del Sur, which has been a long-time partner of the PBA after staging several games of the league in the province during the past,” ayon kay Davao del Sur governor Douglas Cagas.