Ni Bert De Guzman
Isinusulong ng House Committee on Higher and Technical Education ang pagkakaroon ng Special Education Centers (SPEDs) para sa mga batang bulag, pipi at bingi.
Lumikha ng technical working group (TWG) ang komite na mag-aayos sa panukala para sa pagtatatag ng “Municipal Special Education Centers for deaf-mute and blind children.”
Inatasan ng komite sa pamumuno ni Rep. Ann Hofer, ang TWG na pag-aralang mabuti ang House Bill 2213, na inakda ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, para matugunan ang problema ng limitadong special education (SPED) facilities sa para sa deaf-mute at blind children sa buong bansa na nangangailangan ng espesyal na atensiyon at pangangalaga.