Ni Czarina Nicole O. Ong

Nadagdagan ng P1.1 milyon ang networth ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) nitong nakaraang taon.

Inilahad ng Pangulo na ang kabuuang assets nito minus liabilities ay aabot sa P28, 540,321.07 nitong Disyembre 31, 2017 na mas mataas ng apat na porsiyento kumpara sa kanyang networth noong 2016 na nasa P27,428,862.44.

Inihain ni Duterte ang kanyang SALN nitong Abril 26 ng kaslaukuyang taon, apat na araw bago ang deadline nito.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Nakapaloob sa SALN nito na mayroon pa siyang isang anak na wala pang asawa na si Veronica, 13, na kasama nito sa bahay.

Siyam na ari-arian din ang idineklara nito, lahat ay nasa Davao City, na nabili nito sa kabuuang halaga na P1,405,000.

Dalawa rin ang idineklara niyang sasakyan, isang 1978 Volks Sedan (P40,000) at isang 1996 Toyota Rav 4 (P800,000).

Nasa P19,365,321 rin ang salapi sa bangko at cash on hand nito at nagkakahalaga naman ng P350,000 ang appliances at furniture nito sa bahay.

Tinukoy din nito sa kanyang SALN na mayroon siyang

outstanding personal loan kay Samuel Uy na aabot sa P800,000. At nitong nakaraang taon ay nag-loan din ang Pangulo ng P1,000,000.

Hindi binanggit ni Duterte ang anumang business interest at financial connections nito. Hindi rin nito inilista ang anim na kaanak nito na nagtatrabaho sa pamahalaan na sina resigned Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, anak; Mayor Sara Duterte-Carpio, anak; City Councilor/Brgy. Captain January Duterte, manugang; Davao City Mayor’s Office Private Secretary Benjamin Duterte, kapatid; Adm. Officer I Wilfrido Villarica, pamangkin; at Auxiliary Worker Jean Villarica, asawa ni Wilfrido.