(AFP) - Tinatayang hindi bababa sa 19 na katao ang nasawi sa muling pagsiklab ng gulo sa pagitan ng militar at ng rebeldeng grupo na Ta’ang Liberation Army o TNLA, sa hilagang bahagi ng Shan State, Myanmar nitong Sabado.

Nagsimula ang gulo nitong Enero nang mabaling ang atensiyon ng international community sa nagaganap na Rohingya crisis sa kanlurang bahagi ng bansa.

Inaakusahan ang militar na nagsagawa ng ethnic cleansing sa stateless minority sa Rakhine.

“Nineteen [people] were killed in fighting,” ayon sa militar habang mahigit 20 pa ang nasugatan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ayon kay TNLA spokesman Major Mai Aik Kyaw, inatake ng grupo ang kampo ng militar at militia sa Shan state sa bayan ng Muse at kalsada ng Lashio.

“We fight because of thorough fighting in our region and the serious offensive in Kachin State,” aniya.