Ni NORA CALDERON

THANKFUL si Glaiza de Castro sa mga sumusubaybay sa Contessa na nagustuhan ang pagbabago ng character at looks niya nang maging si Contessa ang laging inaapi-aping si Bea sa istorya.

GLAIZA copy

Bilang si Contessa, palaban at ang laging nasa isip niya ay makapaghiganti sa lahat ng umapi at naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawang si Marco (Mark Herras) at ina kaya napilitang iwanan ang bunsong kapatid na si Ely sa pangangalaga ng ibang tao.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Isa na siya ngayong misteryosang babae na sumipot sa daigdig ng number one niyang mga kalaban, ang mag-anak na Imperial sa pamumuno ni Chanda Romero.

“Nagkaroon po muna ako ng training para ma-transform akong si Contessa,” sabi ni Glaiza. “Unang binago sa akin ang looks ko, mula sa hairstyle at make-up at ang wardrobe na isinusuot ko araw-araw. Kasama ko rito ang production staff, stylist at make-up artist. Kinailangan ko ring mag-training physically para mas lumakas ang katawan ko, nag-target shooting din ako para matutong bumaril dahil magkakaroon dito ng action scenes. Kailangang maging opposite ng character ni Bea ang character ni Contessa para maniwala ang mga tao, may training din ako para magsalita ng French dahil kunwari ay galing ako sa France.”

May mga nagsasabi na kinopya lang daw ang istorya nito sa isang drama series din na kinontra ni Glaiza. Totoo paghihiganti ang concept ng kanyang afternoon prime drama series , pero mas naniniwala si Glaiza na ang Contessa ay tungkol sa women empowerment, iyong gusto niyang magkaroon ng hustisya ang mga pagkakamali at ipaglaban ang katotohanan.

“Para sa akin, inspired ang serye namin ng The Count of Monte Cristo kasi count siya, Contessa ako, pareho kaming nabilanggo at yumaman siya dahil sa treasure hunt. Ako naman yumaman dito nang makilala ko sa kulungan si Guada Venganza played by Tetchie Agbayani na hindi ko alam kung saan nanggaling ang kayamanan niya at ang power na ipinanglalaban niya sa mga Imperial. Kung ano ang mga plano ni Guada, sinusunod ko lamang dahil nasa puso ko talaga ang makapaghiganti at makapiling pagkatapos ang nag-iisang naiwanan kong pamilya, si Ely.

“At ang isa pang nakakatuwa, muli kaming nagkasama ni Janice Hung, ‘yung gumanap na si Bathalumang Ether sa Encantadia namin noon. May mga ilang eksena na kaming nakunan na naglaban kami dahil siya si Mystie, ang kinuhang trainor ni Daniella (Lauren Young) na number one kong kalaban sa story. Kaya hindi iyon ang una naming pagsasama, may mga kasunod pa.”

Ang Contessa ay napapanood Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga