Ni Reggee Bonoan

TULOY na nga ba ang pagtakbo ni Dingdong Dantes para senador sa 2019?

DINGDONG

Naitanong namin ito dahil may mga nakausap kaming supporters niya na nagsasabing sana ay pag-isipan niyang mabuti dahil mababa siya sa survey.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kung noon sana siya kumandidato posibleng manalo siya, pero ngayon, nakita naman niya siguro ang survey, ang baba niya. Pero kami suportado pa rin namin siya. Sana lang hindi masayang,” sabi sa amin ng supporters ni Dingdong.

Simula nang maging aktibo si Dingdong sa Yes Pinoy Foundation ay naging maingay ang pangalan niya at inuudyukan siyang tumakbo ng mga negosyanteng kaibigan ng tiyuhin niya, pero hindi siya pumasok sa pulitika.

“Sabi ko nga sa mga kasama ko, kung noon, pasok si Dingdong, eh, ngayon? Wala, eh. Pero kung gusto niya, suportado pa rin namin siya,” sabi pa sa amin.

Kung sakali ngang kakandidato si Dingdong sa 2019, iboboto namin siya dahil alam namin na magiging matino siyang public servant at hindi mangungurakot, hindi tulad ng ibang ibinoto namin na hanggang ngayon ay nagsisisi kami.

Ganu’n naman kasi kapag kampanya, kung anu-anong pangako, pero kapag nakaupo na nauntog na yata at nakalimutan na ang mga ipinangako sa bayan. O masasabing bilang lang ang natandaan.

Maprinsipyong tao si Dingdong kaya namin siya gusto at kung sakaling manalo siya, sana lang ay hindi siya mabulungan ng mga ligaw na bubuyog at paru-paro para hindi masira ang maganda niyang imahe sa publiko.