Ni Mary Ann Santiago

Nagluluksa ngayon ang Simbahang Katoliko sa pagpanaw ni Malolos Bishop Jose Oliveros, sa edad na 71, dahil sa prostate cancer.

Sa ipinadalang mensahe ni Msgr. Pablo Legazpi Jr., vicar general ng Diocese ng Malolos, dakong 9:00 ng umaga kahapon nang pumanaw ang obispo.

Hinikayat ni San Jose Bishop Robert Mallari ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang kaluluwa ng namayapang Obispo.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Isinilang si Olivares sa lalawigan ng Quezon noong Setyembre 11, 1946, at inordinahang pari noong 1970. Itinalaga siya ni Pope John Paul II bilang Obispo ng Boac, Marinduque noong 2000, at bilang obispo ng Diyosesis ng Malolos noong 2004.