ANG mga pinakamalalaki at pinakamaniningning na mga bituin ng Philippine cockfighting ay magtutuos sa isang matinding labanan para sa karangalan sa makasaysayang 2018 Thunderbird Manila Challenge na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 28.
Ang Thunderbird Manila Challenge All-Star Invitational 6-Cock Derby ay itatanghal ang mga sikat na endorsers ng Thunderbird Power Feeds at Thunderbird Powervet kasama ang mga kampiyon sa mga ginanap na Thunderbird Regional Challenge.
Kasama sa listahan sina Engr. Sonny Lagon, Rafael “Nene” Abello, Dicky Lim, Gov. Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Rey Briones, Cong. Lawrence Wacnang, Joey Sy, Boy Tanyag, Pol Estrellado, Boy Marzo, Engr. Sonnie Magtibay, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Frank Berin, Joe Laureño, Baham Mitra, Carlos Tumpalan, Boy Lechon, Pao Malvar, Vic Lacasao, Tan Brothers, Kano Raya, Lino Mariano. Tol Mariano, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Marcu del Rosario, Bentoy Sy, Dennis de Asis, Mayor Jesry Palmares at Hermin Teves.
Kasali rin ang mga Regional Challenge solo champions na sina Engr. Taguibao (ECT Gamefarm) mula North Luzon sa ginanap na 5-cock derby noong nakaraang Abril 26 sa Pampanga Coliseum; Charlie “Atong” Ang (AA Viking) mula sa South Luzon na ginanap noong Abril 27 sa Lucena Cockpit Arena; Hector Ching (HC Gamefarm) mula Central Visayas na ginawa noong Abril 29 sa Gallera de Mandaue at sina Warnell Dellota & Chito Tinsay (June 16 Iloilo Coliseum) mula sa Western Visayas sa dery na ginanap noong Abril 29 sa Iloilo Coliseum.