Ni Ador Saluta
ANG Star Magic artist/singer na si Young JV ang napiling bagong endorser ng Megasoft Hygienic Products, Inc. Ang ilan sa mga produktong iiendorso ni Young JV ay ang Cherub cologne, baby wipes, napkins at iba pa.
Sa Megasoft launch nitong Martes, naitanong sa may-ari ng kompanya na si Ms. Ailene Go kung bakit si Young JV ang kanilang napili sa dinami-dami ng mga kabataang artista.
“Alam naman nating lahat na we go around the country and we’re promoting our advocacy and that is education,” bungad ni Ms. Go. “We bring a celebrity endorser who should embody... someone na nag-aaral o either graduate. Bukod pa do’n, JV has a new look, pleasing personality, cute, (and because of his name Young JV) you will never grow old indeed. Sobrang talented pa niya,” pagmamalaki ng Megasoft owner.
Isinaalang-alang din ng kompanya ang pagmamahal sa edukasyon ng pamilya ni JV, na solong anak ng ating Ambassador to Myanmar na si G. Eduardo Kapunan . Sila ang sumusuporta sa Lahing Bayani Foundation na nagpapaaral sa mga anak ng mga sundalong namatay sa pakikipaglaban.
“It’s been eight years na ‘yung foundation,” pahayag ni Young JV, “we’re sending scholars to school, kami ‘yung nagpapaaral sa mga anak ng sundalo .”
Nagkuwento si JV na napakaistrikto ng pagpapalaki sa kanya ng kanyang ama.
“Lalo na ‘pag militar, istrikto ang pagpapalaki sa akin, dati I hated it, kung bakit napaka-strict. But as I grow old, naiintindihan ko na, they raise me positive .”
Nagtapos ng high school sa St. Joseph-Iloilo si Young JV at sa pamamagitan ng student program, patuloy pa ring binubuno ang Entrepreneurship course.
Naitanong din kay JV ang tungkol sa kanila ng girlfriend na si Miho Nishida, former PBB housemate at ngayo’y Girltrends member sa It’s Showtime.
“ We’ve been four months na, aniya.”Very strong ang personality niya, very real, direct to the point at ‘yun ang hinahanap ko, ‘yun ang kailangan ko.”
Balak nila ni Miho na magpunta sa Japan bago matapos ang summer.
“This summer plano namin sa Japan, sa Disneyland, siguro four days kami do’n.”
Second time na nilang pamamasyal ito sa Japan.
“Nag-Osaka na kami before , three days kami ro’n.”
Bukod sa daughter, kasama ni Miho ang ilang kaibigan sa kanilang Japan vacation.
“Mas masaya ‘pag may mga kasama,” sabay tawang sabi ni Young JV.
Kabisado ni Miho ang Japan kaya masaya sila sa pagbabakasyon doon.
“Haponesa talaga siya, mahusay siyang magsalita ng Japanese, walang problema sa communications doon, nakakaikot kami nang maayos.”