Ni Annie Abad

SENTRO ng programa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpapalaganap ng sports grassroots development program sa buong bansa.

Iginiit ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na walang malalagpasan na nayon at lalawigan ang programa kung saan kasama sa kalendaryo nila ang pagdayo sa Dinapigue Town sa Isabela Province.

Mula Mayo 15-16, gaganapin sa nasabing probinsya ang PSC-Philippine Sports Institute (PSI) Sports for Peace Children’s Games at Open Water Swim na gaganapin sa coastal area nito.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“This is the continuation of our UNESCO-recognized Sports for Peace Children’s Games launched last year in Marawi City and part of the PSC grassroots sports program in the country side,” pahayag ni Ramirez.

Unang isinagawa ang nasabing Sports for Peace noong kasagsagan ng kaguluhan sa Marawi City noong taong 2017 na umikot na rin sa buong kapuluan gaya ng Benguet, Baguio, Bontoc, Kalibo, San Carlos City, Maasin City, Guimaras, Surigao City at San Pedro City.

Kasama rin ang Persons With Disabilities (PWD) sa inaayudahan ng PSC.

Kasama sa proyekto ngayon ng PSC ang sports event para sa mga PWD sa Mayo 12-19 sa Sta. Lucia Mall sa Marikina City.

“We will be having this sports event for the PWD and this is a week long event for our disabled athletes, “ ayon Kay PSC commissioner Arnold Agustin na siyang head ng oversight committee sa nasabing proyekto.

“This is a part of the Sports for all program of the President (Duterte) that’s why we are very proud and confident for this project,” aniya.