Ni Reggee Bonoan

“MANOOD ka kasi minsan para alam mo ang takbo ng kuwento ng Home Sweetie Home. Matagal nang wala si John Lloyd (Cruz), kaya ‘yung sinasabing wala na ang karakter niya, matagal nang wala, di ba?”

JOHN LLOYD AT PIOLO

Ito ang natatawang sabi sa amin ng taga-production ng sitcom ni Toni Gonzaga na si Piolo Pascual na ang leading man, kasama sina Miles Ocampo, Sandy Andolong at mga bagong dagdag na sina Rufa Mae Quinto at Ogie Alcasid.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Palaisipan pa rin kasi sa showbiz observers kung babalik pa ba si John Lloyd sa HSH dahil nga hindi naman siya pormal na nagpaalam sa programa.

“Oo, sa amin nga rin walang sinabi kaya move on na tayo, maski na wala na si John Lloyd, show pa rin nila ni Toni ang Home Sweetie Home, wala na nga lang siya,”sabi pa sa amin.

Hindi apektado ang ratings ng HSH sa pagkawala ni John Lloyd kaya patuloy pa rin itong umeere na lalo pang gumanda nang dumating si Piolo at ngayon naman ay kasama na rin si Ogie na may dalawang karakter, isang babae at isang lalaki.

“Nagpapasalamat pa rin kami kay Piolo kasi maski na busy siya sa ibang show niya, binibigyan pa rin niya ng oras ang Home Sweetie Home. May times na hindi siya nakakasipot sa tapings at nagsasabi siya in advance,” kuwento pa sa amin.

At hindi na nga yata babalik si Romeo (Lloydie) dahil sa huling episode ng HSH ay nakikipaghiwalay na si Julie (Toni) sa asawang pinalabas na nasa nagtatrabaho sa ibang bansa.

Samantala, network contract si John Lloyd sa ABS-CBN at may usap-usapan sa showbiz circle na ibinalik nito sa management ang bahagi ng downpayment na nakuha nito, pero ayon sa aming source ay hindi raw tinanggap at sinabihan ang aktor na anytime ay puwede siyang bumalik sa Kapamilya Network.

Tsikahan naman ng ilang taga-production, baka hinihintay lang ni John Lloyd na makapanganak si Ellen bago siya magsasalita.

‘Yun nga lang, kung totoo ang tsika na nakapanganak na, bakit wala pa ring nagbabalik-Dos na John Lloyd?