Nina ROY C. MABASA at LEONEL M. ABASOLA

Posibleng malalagdaan ngayong araw ang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at nga Kuwait, na magkakaloob ng mga karagdagang proteksiyon sa overseas Filipino workers (OFWs).

Pero bago nito, nakatakda munang makikipagpulong si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa kanyang mga katapat sa Kuwait.

“Just before the dinner tonight, we will have a bilateral meeting with the (Kuwait) foreign minister, my counterpart. Afterwards, if everything’s okay, then we will push through with the signing of the MOU,” sinabi kahapon ni Cayetano sa mga mamamahayag sa mabilisan niyang pagbisita sa Saudi Arabia.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nitong Miyerkules ng gabi, ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng maganap ang pirmahan ng MOU ngayong Biyernes, Mayo 11. Kapag natuloy, sinabi ni Bello na ang initial outcome ng kasunduan ay maaaring magbigay daan para sa partial lifting ng deployment ban ng OFWs sa

Nagpahayag ng kasiyahan si Cayetano sa bunga ng pagbisita ni Bello sa Kuwait kasunod ng pagbuo ng isang special unit ng Kuwaiti police na maaaring tawagan ng Philippine Embassy para tugunan ang mga reklamo ng posibleng pang-aabuso sa OFWs.

Magtatayo rin ang Kuwaiti government ng 24-hour hotline na maaaring tawagan ng distressed OFWs para sa oras ng pangangailangan.

Ipinunto ni Cayetano na ang mga inilalatag na mekanismong ito ay makatutulong upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan sa hinaharap sa oras na kakailanganin ang quick response, “they will not say that we’re taking the law into our own hands.”

“On the other hand, OFWs will always feel that they can call someone at the Embassy and act right away,” ani Cayetano.

Umaasa naman si Senator Joel Villanueva na magiging maayos na ang kalagayan ng OFWs sa pagpirma ng MOU.

“We hope this landmark development marks the start of a better era for our kababayans and diplomatic relations with Kuwait,” ani Villanueva.