Ni Marivic Awitan

PBA Sched May 11 copy

Mga Laro Ngayon

(Alonte Sports Arena)

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

4:30 m.h. -- Phoenix vs NLEX

7:00 n.g. -- Ginebra vs Blackwater

M AKISOSYO sa ikalawang puwesto ng team standings na okupado sa kasalukuyan ng Meralco at Rain or Shine ang tatangkain ng Phoenix sa pakikipagtuos sa bokyang NLEX ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Honda PBA Commissioners Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan City sa Laguna.

NAKAKUHA ng foul si Chris Ross ng San Miguel Beer nang lusutan ang bantay ng Meralco Bolts sa kainitan ng kanilang laro Miyerkules ng gabi sa PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena. Nagwagi ang Bolts, 93-85.

NAKAKUHA ng foul si Chris Ross ng San Miguel Beer nang lusutan ang bantay ng Meralco Bolts sa kainitan ng kanilang laro Miyerkules ng gabi sa PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena. Nagwagi ang Bolts, 93-85.

Tatangkain ng Fuel Masters na maitala ang unang back-to-back win ngayong second conference matapos makabalik sa winning track pagkaraang ungusan ang Magnolia, 89-87.

Ganap na 4:30 ng hapon ang salpukan ng Fuel Masters at ng Road Warriors na inalat naman sa unang tatlo nilang laban.

Susundan ito ng bakbakan ng kapwa winless ding Ginebra (0-2) at Blackwater (0-4) ganap na 7:00 ng gabi.

Nalaglag sa kanilang ikatlong sunod na pagkabigo sa kamay ng Meralco, kinakailangan ng NLEX na muling mahanap ang kanilang winning ways bago mag-isip ng tsansa para sa playoff round.

“We’re in survival mode,” pahayag ni Road Warriors ace rookie Kiefer Ravena.