Ni BELLA GAMOTEA

Patay ang anim na magkakamag-anak nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Parañaque City, nitong Miyerkules ng hapon.

 PATAY SA NILARONG POSPORO Binubuhat ng mga bumbero ang isa sa anim na miyembro ng pamilya na namatay sa sunog sa Bahay na Bato, sa Bgy. Tambo, Parañaque City kamakalawa. (MANNY LLANES)


PATAY SA NILARONG POSPORO Binubuhat ng mga bumbero ang isa sa anim na miyembro ng pamilya na namatay sa sunog sa Bahay na Bato, sa Bgy. Tambo, Parañaque City kamakalawa. (MANNY LLANES)

Kinilala ang mga nasawi na sina Marie Joy De Jesus, 26; mga anak niyang sina Jomarie Canaria, 6; at Daniel Luis Canaria, 10; tiyahin niyang si Ana Dona Agrasada, 26; at mga anak nitong sina Jake Amata, 6; at Jake Angelo Amata, 3.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nasugatan naman sa pagmamadaling makalabas mula sa nasusunog na gusali ang dalawang residente na sina Abegail Calderon, 9, na nagtamo ng sugat sa kaliwang paa; at Judy Bulaklak, 56, na nagtamo naman ng sugat sa bibig.

Sa inisyal na ulat ni Parañaque City Fire Department, Fire Marshal Supt. Robert Pasis, nagsimula ang apoy sa unit na tinutuluyan ng magkakamag-anak sa ikalawang palapag ng Bahay na Bato, na matatagpuan sa Quirino Avenue, sa Barangay Tambo, bandang 4:17 ng hapon.

Naglalaro umano ng posporo ang mga batang biktima hanggang sa sumiklab ang apoy sa gusali.

Sa kasagsagan ng sunog, bumagsak ang ikalawang palapag ng gusali kaya nakulong ang anim na magkakamag-anak at namatay.

Sa mopping o clearing operation, natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima sa unang palapag ng gusali.

Nabatid na umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula ng mga bumbero dakong 9:45 ng gabi, habang nasa P50,000 ang halaga ng natupok.