Ni Bella Gamotea

Espesyal para kay Mexican President Enrique Peña Nieto ang barong tagalong na isinuot niya sa APEC 2015 na ginanap sa Pilipinas, at patuloy niya itong iniingatan.

Ito ang ibinunyag ng Mexican President nang tanggapin niya si Philippine Ambassador to Mexico Demetrio R. Tuason, at pinuri ang suot na barong tagalog ng envoy nitong Lunes.

“He remarked that he still retained his own barong tagalog that he received during his visit to the Philippines for APEC 2015,” saad sa ulat ni Ambassador Tuason sa Department of Foreign Affairs.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Pormal na iprinisinta ni Tuason kay President Nieto ang kanyang Letter of Credence sa isang seremonya sa Palacio Nacional sa Mexico City, nitong Mayo 7.