ISA nang ganap na bagani si Liksi na ginagampanan ni Zaijian Jaranilla nang makuha niya ang lakas at kapangyarihan ng ‘kalasag ng Kataw’ nitong Lunes ng gabi sa hit fantaserye ng ABS-CBN na Bagani.

ZAIJIAN copy

Sa tulong ni Lakas (Enrique Gil) at gamit ang kanyang pamilya bilang inspirasyon, lumabas na ang tunay na kakayahan ni Liksi bilang pinakabagong bagani.

Matatandaan na si Mayari (Sofia Andres) ang unang napili at napagkalooban ng ‘kalasag ng Kataw’ ngunit sa kasamaang palad ay binawian ito ng buhay nang mataaman ng kidlat ni Sarimaw.

Relasyon at Hiwalayan

Mister ni Rufa Mae Quinto, inaasikaso na ang kanilang divorce

Karapat-dapat maging bagani si Liksi dahil sa taglay niyang busilak na puso at tatag na magsakripisyo para sa kanyang pamilya at sa buong sansinukob. Napatunayan na niya ito nang ilang beses niyang tangkain na labanan si Sarimaw at nang nakipaglaban siya kasama ni Kidlat (Rayver Cruz) kahit wala pang kaalaman sa pakikipagtunggali.

Ngayong may nagmamay-ari nang muli sa ‘kalasag ng Kataw,’ mapagtagumpayan na kaya nilang makuha ang sansinukob kay Sarimaw? Samantala, ano kayang hakbang ang gagawin ni Sarimaw ngayong unti-unti nang nabubuo ang mga bagani?

Huwag palampasin ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.