Ni Ador Saluta

INIULAT ni Mario Dumaual sa TV Patrol nitong Miyerkules ang pagkakatalaga kay Isko Moreno bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) .

ISKO copy

Pinasalamatan ni Isko si Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inilabas ang appointment paper ni Isko — Francisco Moreno Domagoso sa totoong buhay — ng Malacañang nitong Miyerkules.

“Malugod po akong nagpapasalamat sa muling pagtitiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating Pangulong Duterte,” pahayag ni Isko sa ABS-CBN News Online.

“Malaking trabaho at responsibilidad po ito ngunit gagawin ko po ang lahat upang magampanan ang aking tungkuling in’atang sa ‘tin sa abot ng aking makakaya para sa mga nangangailangan nating mga mahihirap na kababayan.”

Ito ang pangalawang government post ni Isko sa administrasyong Duterte.

Una siyang na-appoint bilang chairman ng North Luzon Railways Corporation noong July 2017. Ngunit nag-resign siya noong Nobyembre ng kaparehong taon, pagkaraan lamang ang limang buwang panunungkulan.