Ni Fer Taboy

Muling pinaalalahanan ni Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AvSeGroup) Director Chief Supt. Dionardo Carlos ang mga pasahero sa eroplano na huwag nang magbiro tungkol sa bomba.

Ito’y matapos pansamantalang idinetine kahapon ng AvSeGroup personnel sa Dumaguete ang isang pasahero ng PAL flight PR2546 patungong Manila, dahil sa bomb joke.

Ayon kay Carlos, palipad na sana ang naturang eroplano bandang 11:20 ng tanghali nang makatanggap ng request for Police Assistance ang AvSeGroup Dumaguete mula sa CAAP personnel. Isang pasahero umano ang nagbiro ng “this is not a bomb” nang sabihan ni Steward Tejan Y. Canoneo na ilagay ang kanyang plastic na lalagyan sa ilalim ng upuan. Nagresulta ito sa pagkaantala ng flight.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji