LOS ANGELES (Reuters) – Binasag ng estranged wife ng producer na si Harvey Weinstein, ang designer na si Georgina Chapman, ang kanyang pananahimik nitong Huwebes hinggil sa mga akusasyon ng sexual misconduct laban sa dating asawa, at sinabi na nasusuka siya.

Harvey at Georgina copy

Ayon kay Chapman, co-founder ng Marchesa fashion label, sa Vogue magazine na kanyang unang panayam simula nang pumutok ang eskandalo nitong Oktubre, “I lost ten pounds in five days. I couldn’t keep food down.”

Ang mga akusasyon laban kay Weinstein ay unang iniulat ng New York Times at New Yorker magazine.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

“My head was spinning. And it was difficult because the first article was about a time long before I’d ever met him, so there was a minute where I couldn’t make an informed decision. And then the stories expanded and I realized that this wasn’t an isolated incident,” sabi ng British designer.

Nang araw na inilathala ang ulat ng New Yorker, ipinahayag ni Chapman na iiwanan na niya si Weinstein, winakasan ang kanilang 10-year marriage. Nasa proseso na ng diborsiyo ang mag-asawa.

Mahigit 70 kababaihan ang nag-aakusa sa Hollywood producer ng sexual misconduct, kabilang ang rape. Itinanggi ni Weinstein na nakipagtalik siya nang may kasamang pamimilit.

Tumangging magkomento ang kinatawan ni Weinstein sa panayam ni Chapman. Sinabi ng kinatawan ni Chapman na wala nang idudugtong ang designer.

Sa pagbabalik-tanaw, sinabi ni Chapman sa Vogue, “I have moments of rage, I have moments of confusion, I have moments of disbelief. And I have moments when I just cry for my children.”

Noon ang Marchesa ay isa sa pinakamalaking fashion brands sa red carpets sa Oscars at iba pang celebrity events, ngunit iniwasan na itong isuot ng celebrities nitong nakalipas na walong buwan.