Ni Merlina Hernando- Malipot at Bert De Guzman

Nagpahayag kahapon ng pag-asa si Education Secretary Leonor Briones na magkakaroon ng positibong tugon ang kanyang apela na huwag nang buwisan ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa eleksiyon sa Mayo 14.

Sa press briefing sa Senior High School (SHS) program, sinabi ni Briones na magdadaos ang Department of Education (DepEd) at Commission on Elections (Comelec) ng joint press conference bukas, Mayo 11, para sagutin ang mga isyu at iba pang katanungan ng mga guro na magsisilbi sa halalan.

Nauna rito ay umapela si Briones sa Comelec na huwag nang buwisan ang kakarampot na allowance ng mga guro na magsisilbi sa halalan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi man niya inihayag ang resulta ng kanyang apela sa Comelec, sinabi ni Briones na may “good news” sila para sa guro.

Suportado ng mga kongresista, sa pangunguna ni House Committee on Appropriations Chairman Davao City Rep. Karlo Nograles, ang apela ng mga guro na huwag nang kaltasan o buwisan ang honorarium at allowances na ibibigay sa kanila sa pagsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes.

“I am backing the call of Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones for tax-free allowances and other renumeration for our public school teachers. During election season, no group of people in government sacrifices more than them; they deserve it,” ani Nograles.

Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na babawasan ng 5 porsiyento ang honoraria at transportation allowances ng mga guro na magsisilbing electoral board sa BSKE.